NAGVIRAL ANG MGA LARAWAN NG ISANG KOREAN FLIGHT ATTENDANT DAHIL SA ANGKING KAGWAPUHAN NITO




Sa mga kabataan, patok na patok sa kanila ang K-pop at K-drama. Lalong lalo na sa mga babae na nagpapantasya sa mga Korean artist. Viral ngayong ang isang flight attendant na Koreano na sadya namang pwede ng ihanay sa mga Koreanong artista.




Naging viral sya hindi lamang dahil sa mala porselana nyang kutis at kahanga hangang itsura, ngunit dahil sa inaakala ng mga netizen na bagay na bagay sa kanya ang mapasali sa EXO, isang sikat na boy group sa South Korea.




Ang nasabing Korean flight attendant ay si Lee Yoo Ahn, isang napakagwapong lalake na modelo ng isang designer na si Hang Sang Hyeok sa 2014 F/W Seoul Fashion Week. Isa rin syang modelo ng isang agency; The Different Company.



Kabilang din sya sa isang music video ng MAMAMOO, South Korean girl group na kilala bilang isa sa may poweful vocals. Ang music video na ito ay "New York", kung saan si Lee Yoo Ahn ay gumanap na kasama ng mga myembro ng nito.



Hindi kataka-taka si Lee Yoo Ahn na mas dumami pa ang kanyang pagganap sa mga music videos at Korean dramas.




Sa instagram may post ito na nasa Sofitel Plaza, Manila noong April 23, 2016. Malamang masusundan pa ang pag apak nya sa ating bansa.



NAGVIRAL ANG MGA LARAWAN NG ISANG KOREAN FLIGHT ATTENDANT DAHIL SA ANGKING KAGWAPUHAN NITO NAGVIRAL ANG MGA LARAWAN NG ISANG KOREAN FLIGHT ATTENDANT DAHIL SA ANGKING KAGWAPUHAN NITO Reviewed by Admin on February 06, 2018 Rating: 5

No comments:

Powered by Blogger.