REWARD NG NAGSAULI NG HALAGANG 1.5M SA ISANG PASAHERO NG BUS, 2 SUPOT NG KENDI!



Palaging sinasabi sa atin ng ating mga magulang na magsabi ng totoo sa lahat ng bagay, ito ang isa sa pinaka bilin ng ating mga magulang.

Sa ating paglaki pwedeng mabago ito, may mga taong nanatiling mabuti at tapat na tao subalit meron din namang ibang tao na nababago ito depende sa nakakasama at nararanasan nila.

Tulad na lamang ng pangyayari sa Thailand, isang babaeng konduktor ng bus ang napanatili nya ang kanyang pagiging mabuti at tapat na tao.



Ayon sa ulat ng Coconuts Bangkok, isang babaeng konduktor ng bus ang nakakita ng isang backpack bag na naiwan ng isang pasahero.

Si Sumon Matidul, 50 taong gulang ang nakakita ng bag at dagling dinala sa Samut Prakarn police upang humingi ng tulong. Sinabi nya na isang lalakeng pasahero ang nakaiwan ng bag na may lamang pera sa loob ng bus.



Nang buksan nya ang nasabing bag upang tingnan ang laman, nagulat sya sa nakitang naglalaman ito ng 1 million Thai Baht o 1.5M sa peso.

Natatandaan nya pa na ito ay nakasalamin sa mata na sa palagay nya ay mga 30 ang edad. Sinabi nya na ito ay sumakay sa Bangna Intersection at bumaba sa Big C at Puchao Saming Phrai.



Habang nasa police station ang babae ay biglang dumating ang lalakeng may-ari ng bag upang ireport ang pangyayari at nagkataong andon si Sumon. Swerte ng may-ari ng bag sapagkat napakatapat na tao ng nakakuha ng bag nya.

Bilang reward binigyan ng lalake ang konduktor ng dalawang supot ng kendi bilang pasasalamat. Tuwang tuwang tinanggap ni Sumon ang mga kendi na ibibigay nya naman sa kanyang anak.



REWARD NG NAGSAULI NG HALAGANG 1.5M SA ISANG PASAHERO NG BUS, 2 SUPOT NG KENDI! REWARD NG NAGSAULI NG HALAGANG 1.5M SA ISANG PASAHERO NG BUS, 2 SUPOT NG KENDI! Reviewed by Admin on February 06, 2018 Rating: 5

No comments:

Powered by Blogger.