KAKAIBANG PAMUMUHAY NI JOSE MANALO PINURI NG MGA DABARKADS


Si Jose Manalo na isa sa mga kilalang host ng Eat bulaga ay nakuhaan ng mga litrato ng kanyang simpleng pang araw-araw na pamumuhay.

Kitang kita naman natin na napakasimpleng tao ni Jose Manalo kahit na alam nating napakayaman na ng taong ito. Sa kabila ng kanyang kasikatan, sya ay nanatiling payak at malapit sa tao.

Ito ay sa kadahilanang naranasan nya ang mamuhay sa kahirapan kaya't patuloy nya itong nililingon ng sa gayon ay manatili syang mababa ang loob.

Sila ng kanyang mga kasamang si Wally Bayola at Paolo Ballesteros ay nakakatuwang tingnan sa kanilang suot na tshirts at shorts sa paghohost, kaya abot na abot nila ang masang dabarkads. Ito na yata ang pinakadahilan kaya patuloy silang pinagpapala.

Ang kanyang mga litrato ay nakakuha ng mas maraming atensyon dahil ipanapakita dito na sa kabila ng kanyang kasikatan ay nanatili ang kanyang araw-araw na pamumuhay na tulad sa mga normal na pamumuhay ng isang tao.

Marami sa mga dabarkads ang nagkomento sa post na ito ni Paolo Ballesteros na karamihan ay hangang hanga kay Jose. Isa sa mga ito ay “Yan ang totoong jose,” “Kya LODI k ng masa eh…..Stay humble. …IDOL,” and “Feel at home Josie”.

Ang mga litrato ay kuha sa bahay ng kaibigan ni Jose kung saan sya ay nagsisipilyo ng walang suot na pangtaas. Naging viral ito dahil sa itsura ng kapaligiran nito na nagpapakita lalo ng kababaang loob kahit na sya ay kumikita na ng malaki sa showbizness bilang host at comedian.
Ayon kay Jose bilang komento sa mga reaksyon ng mga dabarkads nasabi nya ito, “Hindi namin iniisip na ‘eto, kaya kami nandito dahil artista kami. At maganda ang naisip ng Bulaga na yun na hindi kami lumalayo kung saan kami nanggaling.”

KAKAIBANG PAMUMUHAY NI JOSE MANALO PINURI NG MGA DABARKADS KAKAIBANG PAMUMUHAY NI JOSE MANALO PINURI NG MGA DABARKADS Reviewed by Admin on February 03, 2018 Rating: 5

No comments:

Powered by Blogger.